DENR Bicol isusulong ang gene bank at 15-ha plantasyon ng kawayan
Nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman sa Rehiyong Bikol, Congressman Fernando V. Gonzalez ng pangatlong distrito ng Albay, Sulpicio Bernardo III ng Filmenera Resources Corporation, at alkalde ng Lunsod ng Ligao Patricia G. Alsua upang magtatag ng bambusetum o punlaan ng iba’t ibang uri ng kawayan sa Kawakawa Hill, at 15 ektaryang plantasyon ng kawayan saw along barangay sa nasabing lunsod.
Ayon ki DENR Regional Executive Director (RED) Gilbert C. Gonzales ang mga barangay na magkakaroon ng taniman ng kawayang tinik (Bambusa blumeana) ay ang mga Barangagy ng Oma-oma, Baligang, Busac, Abella, Nabonton, Amtic, Maonon and Tula-tula sa Lunsod ng Ligao.
Mula sa Filmenera Resources Corporation (FRC), isang industriya sa Masbate, ang mga pananim na may halagang 100,000.00 pesos. Ayon ki Sulpicio Bernardo III, kinatawan ng FRC, sang-ayon ang kanilang kompanya sa plano ni RED Gonzales na magtatag ng taniman ng kawayan bagamat ito ay sa labas na ng lugar ng kanilang operasyon. “Ang pakikiisa naming sa proyektong ito ay bahagi n gaming tungkulin na matugunan ang pangangailangan ng mga pamayanan sa mapagkukunan ng kabuhayan. Ito rin ay isang pagtuklas sa kung ano ang kagalingan ng kawayan sa pagpapanumbalik ng na mina na lugar” ayon ki Bernardo. Idinagdag rin nya na ang pakikipag ugnayan sa lokal na pamahalaan ay mahalagang hakbang upang mabuo ang mga planong pangkaunlaran ng kanilang organisasyon.
Inako naman ni Kong. Fernando Gonzales ang pagsasanay sa mga hanapbuhay mula sa kawayan para sa mga pamayanang magkakaroon ng ganitong proyekto. Ipinahayag rin niya na tinatapos na ang plano sa pagtatatag ng isang mala palasyo na gusali na yari sa kawayan upang makilala ang husay ng kawayan bilang alternatibo sa kahoy. Aniya: “Malaking tulong ang proyektong ito upang maipalaganap sa mga mamamayan ang mga gamit ng iba’t ibang uri ng kawayan at ang pagkakaroon ng punlaan nito”.
Ang punlaan ay magkakaroon ng labing anim na uri ng kawayan na magmumula pa sa ilang bansa sa Asya kabilang na ang Vietnam, Taiwan, China, Japan, Puerto Rico, Nicaragua at Sumatra.
Lokal na pangalan |
Scientific Name |
Pinagmulan
|
1. Anos |
Schizostachyum lima (Blanco) Merill |
Philippines |
2. Bayog |
Bambusa merrilliana (Elmer) Rojo & Roxas comb. nov. |
Philippines |
3. Black bamboo |
Phyllostachys nigra (Lodd.) Munro. |
China, Japan |
4. Bikal |
Schizostachyum dielsianum (Pilger) Merr. |
Philippines |
5. Bolo, Botong |
Gigantochloa levis (Blanco) Merrill |
Philippines |
6. Buddha’s belly Bamboo |
Bambusa ventricosa |
Vietnam, Taiwan and Southern China |
7. Buho |
Schizostachyum lumampao (Blanco) Merrill |
Philippines |
8. Giant bamboo |
Dendrocalamus asper (Schultes et.) Backerex Heyne |
Southeast Asia |
9. Hedge bamboo |
Bambusa multiplex (Lour.) Raeuschel ex. J.A. and J.A. Schultes |
Indo-China and Southern China |
10. Iron bamboo |
Guadua angustifolia Kunth |
Northeastern South America to Panama |
11. Kauayan Kiling |
Bambusa vulgaris Scrad. ex. Wendl. |
Asia |
12. Kauayan Tinik |
Bambusa blumeana Schultes f. |
Philippines |
13. Golden/Yellow bamboo |
Bambusa vulgaris Schrad ex Wendl var striata (Lodd. Ex Lindl.) Gamble |
China, US, Puerto rico, Nicaragua |
14. Pink bamboo |
Gigantochloa kuring Widjaja |
Sumatra |
15. Wamin |
Bambusa vulgaris Schrad. Ex. Wendl cv. Wamin McClure |
Southern China |
16. Laak |
Bambusa sp.1 |
Philippines |
Ayon kay RED Gonzales, ang FRC ay nanguna sa ganitong proyekto. Malaki ang paniniwala niya na ang plantasyon ay makakatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo pa at mabili ang kawayan dahil sa maraming gamit nito. Nangako rin si RED Gonzales na patuloy siyang magsusumikap upang mahikayat ang mga industriya na tulungan sa puhunan ang taniman sa ilalim ng National Greening Program ng kasalukuyang pamunuan. Kanyang ginunita na sa usapan nila ng dating alkalde Linda Gonzalez, nangako siya na hahanap siya ng makakatulong sa proyektong ito at natupad ito sa paglagda ng kasunduan.
Broadcast Release: October 30, 2013
News
PENRO ALBAY CONDUCTS PEOPLE’S DAY AT BAGUMBAYAN CENTRAL SCHOOL
The Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol through the Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Albay headed by Forester Imelda D. Baltazar conducted its People’s Day today, January 24, 2020 at the Bagumbayan Central School, Washington, Legazpi City.
Some two hundred (200) Grade 6 pupils were present for the presentation of the Responsible Mining and Geohazard Awareness by the Mines and Geosciences Bureau (MGB) V given by Information Officer Kristine May C. Baldeo, the Solid Waste Management by the Environmental Management Bureau (EMB) V given by Engr. Christine N. Bañares and Philippine Biodiversity presented by Joana Marie A. Portugal.
“We are grateful to the DENR for conducting this IEC in our school to keep our students informed about environmental protection,” said the Bagumbayan Central School Principal Ms. Mary Christine N. Agarin.
The activity sparked with the appearance of “Greeny” – the DENR V Mascot, “Mina”, MGB V's mascot and “Veron” from the EMB V which added to the pupils’ fun and excitement during the activity.
The People’s Day is part of the Information, Education Campaign (IEC) conducted by the DENR to communities and schools alike, which aims to increase and strengthen environmental awareness and protection. *DJNJaylo
Other News
- PENRO ALBAY CONDUCTS PEOPLE’S DAY AT BAGUMBAYAN CENTRAL SCHOOL
- DENR BICOL CONDUCTS ANNUAL ASIAN WATERBIRD CENSUS
- RLTA PROGRAM IN BICOL UNDERWAY
- DENR BICOL STRENGTHENS PARTNERSHIP WITH LGU BULUSAN THROUGH THE RLTA
- CENRO MOBO, LGU AROROY RESCUE AN OLIVE RIDLEY SEA TURTLE
- DENR BICOL DONATES OVER 100K WORTH OF CASH AND GOODS TO PENRO BATANGAS
- PENRO ALBAY TSD CHIEF ARENA ACCEPTS CHALLENGE TO LEAD PENRO CATANDUANES
- GOVERNOR ESCUDERO FIRMS UP REFORESTATION STRATEGIES WITH PENRO SORSOGON
- HAWKSBILL TURTLE TRAPPED IN FISHERMAN’S NET RELEASED
- PENRO SORSOGON, CATANDUANES, CENRO SAN JACINTO HAVE NEW GUARDS *